PAYSBOOK - ONLINE PYRAMIDING SCAM


Kikita ka daw ng pera gamit ang isang social media platform???

Totoo nga ba? 

O pyramiding nanaman???

CEO: Arjay Gallenero

Ok, registered sila sa SEC. Nagsimula sa partnership hanggang naging corporation. 

Sa totoo lang napatawan na sila ng SEC ADVISORY ng dalawang beses! 

Oo, dalawang beses! 



Ano nga ba ang ibig sabihin kapag nalalagay sa SEC ADVISORY ang isang kumpanya? 

Ang ibig sabihin nun, may ginagawang illegal ang kumpanya. 

Suggest ko lang, wag kayo sasali sa mga negosyo na napapasama sa SEC ADVISORY. 

Ang Paysbook daw ay isang social media platform, e-commerce at affiliate marketing. 

Wow.. 

Alam nyo nagsimula ang Paysbook na wala talaga silang produkto. Nang mapatawan sila ng SEC ADVISORY. Natakot ang CEO, kaya ayun, gumawa ng kape at juice. 

Matatawa ka na lang. Ang mas nakakatawa, hindi ito tinatangkilik ng mga members. Kumbaga, walang demand. Wala kang makikita na nagbebenta ng kape at juice nila. 

Kape at juice - eto yung hocus pokus na produkto na ginagawa ng mga pyramiding business. 

Para may masabi lang na may produkto sila. Para pagtakpan ang pyramiding business. 

Ganito rin ang ginawa ng Quad Creatives, na dati ay RU Affiliates. Nang mapatawan sila ng SEC ADVISORY. Natakot ang lolo mo, bigla nagpalit ng pangalan ng kumpanya at bigla nagkaroon ng kape! 

Bakit nga ba kape? Bakit juice? Kasi madali lang ito bilhin, gagawa ka lang ng packaging, mag iisip ng hocus pokus na pangalan. Tada! 

Kaya nang naglabas ng kape at juice ang Paysbook, hindi na bago sakin yan. Bawat pyramiding business ginagawa yan. 

Meron pa, yung PaysUp - halos pareho lang to sa Paysbook. Pyramiding din. Aba, naglabas ng cream! 

Balik tayo sa Paysbook, isa sa mga pinagyayabang ng mga members. Magreregister ka lang daw at mag lolog-in, may 300 pesos ka na! 

Wow! Amazing! 



Marami talaga ang kakagat diyan! Pero ooopss wait muna.. 

Bago mo makuha ang 300 pesos. Magbabayad ka muna ng 1,000 pesos!!!

Hindi ko alam kung naiisip ba ng mga Paysbook members na nanloloko sila ng tao? 

Hello? 300 pero 1,000 muna???

Pero alam ko sinasadya na gawin yan ng CEO dahil alam niya marami ang kakagat sa ganyang sistema. TANGA yata tingin niya sa mga tao ngayon. 

So, sa halagang 1,000 pesos, may activation code ka. Gagamitin mo yan para maactivate ang account mo. 

Yan ang produkto nila? Activation code. Hindi yung kape at hindi rin yung juice! 

Juicekolord! 

Ok, so ang sunod naman ay yung social media ng Paysbook. 

Kapag maglologin ka sa Paysbook Social. Sobrang bagal! 

Madami na daw silang members! 




Pero kung sisilipin mo maigi, hindi active ang mga members. Mga 30 days ago pa ang mga post. 

So, yung social media platform nila, walang gumagamit. Ano naman ang gagawin mo dun? 

Tara, sunod naman yung 
e-commerce nila. 

Pero duda ako, na wala naman talagang nagbebenta na tunay na member ng Paysbook. Nag try ako na mag message sa seller pero hanggang ngayon hindi sumasagot.

Again, walang gumagamit ng social media at ganun din sa
 e-commerce chu chu nila. 



So, kikita ka sa Paysbook kapag ikaw ay nag-sign up, nag login, at kapag ikaw ay nag log-out. 

Kitang kita mo sa ganyang sistema, pyramiding talaga. May maisip lang na ways to earn. Baka pati pagtype pa lang ng URL nila sa browser kikita ka pa rin. 


Pero syempre, mas malaki ang kikitain mo sa PAG RERECRUIT! Paano pag hindi ka nakapag recruit? Eh di wala kang kikitain! Ganyan ang pyramiding. 

Sa pag rerecruit lang kumukuha ng pondo ang Paysbook. Kung ano ang binabayad ng mga members, binibigay din to sa mga ibang members. 

Walang product sales ang nangyayari sa Paysbook. Kahit ipagmalaki nila ang kape at juice nila. 

Walang tatangkilik niyan. Walang mag oorder. Dahil yang kape at juice na yan, pangtakip lang yan sa pyramiding scheme ni Paysbook. 

Nang nagkaroon ng SEC ADVISORY ang Paysbook, may mga members daw na nag uupload ng pictures na nasa SEC daw sila at ayos na daw ang gusot ni Paysbook. 

Pero hinarang ulit to ni SEC. Akala yata nila makakatakas sila. 



Guys, 2019 na. Wag na wag tayo sasali sa mga ganyang negosyo. Wag kayo sumali sa mga pyramiding.